
Hay nako,, late na naman ang aking pag-post ng aking BLOG all about our farewell party!! And farewell celebration,. A day before that moment, pumasok ako (Wednesday) and then, nahihilo na ako sa paulit – ulit na paikot – ikot sa buong campus ng Liceo para lamang mapirmahan ang clearance ng section namin, but then, nakita ko ang pagpupursigi ng section namin. At nakita ko ang mga nag dala ng bigas!!,, dahil wala si Ana jane, hindi pumasok at nung gabi, naka text ko din siya na yung tungkol sa bigas, bero nung mga oras na iyon, ay hindi kami nagkaintindihan, pero natapos din yun. At lahat ay sinettle ko na, para wala nang problema….
At bago kami mag uwian, ay niyakap ako ni Ivy,.. natuwa din ako, dahil akala ko ay parang wala lang siya!!... kahit na marami ang nanlalagkit sa akin ay nag tiyaga siyang yumakap sa akin. Pati sila Apple at iba pa!!
Para sa akin, special silang lahat! Dahil, kahit anong gawin nila sa akin ay wala na iyon, dahil isang kababawan lang! kung papatulan ko iyon,
Gabi, nag-unli ako, naka text ko ang iba na mag handa, pati si sir!! Naka text ko, at sabi niya, BAKA HINDI DAW AKO MAKATULOG DAHIL SA SOBRANG EXITEMENT…. Ahhaha at tumawag din sa akin si Ivy, at naka Text ko din ang Friend ko na taga Batangas na si Sarah Landicho…. At iba pa, hinanda ko na din ang mga gamit at mga kakailanganin ko para kinabukasan, ang bigat nga eh, pero make sure na pag-uwi ko, ubos yun at gagaan din...







